Dagli: Pangarap
ni: Ailene Orbeta
Noong una palang noong ako'y namulat dito sa mundo ay hindi ko malaman kong ano nga ba ang pangarap ko sa aking buhay. Oo, hindi ko alam dahil siguro ay hindi ko alam ko pa alam kong ano ang ibig sabihin ng ang salitang "pangarap". Hindi ko alam kong ano ang kahahantungan ko pagwala akong pangarap sa buhay. Hindi ko malaman kong ano nga ba ito na kahit anong isipin ko ay hindi ko talaga maintidahan ang salitang iyan. Nung ako'y tumuntong sa unang baitang ng sekondarya ay tinanong ako ng aming guro kung ano ang pangarap ko. Hindi ko labis maisip na bakit pa tayo mangangarap kong mabubuhay at mamamatay rin lang naman tayo. Ngunit may narinig akong boses galing sa aking likuran at ang sabi niya ay guro kaya naman ang nasabi ko rin sa aming guro ay guro,gusto kong maging guro. Nang ako ay papauwi na galing sa eskwela ay may nagtanong na naman sa akin kong ano ang pangarap ko sa buhay. Kaya ako ay napatigil sa aking paglalakad. Tinignan ko ang mukha sa nagtanong sa akin at sinabing hindi ko alam. Kaya siya rin ay natigilan mula sa kaniyang paglalakad na tila ba nagtataka sa aking nasabi. Pinabayaan ko nalang ito at muli,ako ay lumakad papuntang bahay.
Nang ako'y nakarating sa aming tahanan ay dumiretso ako sa kwarto at doon ako na natulala. Ano nga ba ang pangarap ko sa aking buhay? ako ay nag-iisip kong ano nga ba ang kahulugan sa salitang "pangarap". Ngunit kahit anong isip ko tungkol dito ay hindi ko talaga malaman. Ipinagsawalang bahala ko nalang ito dahil hindi ko alam.
Parati nalaman akong nagtatanong sa aking isipan kung ano nga ba ang pangarap at kung ano nga ba ang pangarap ko sa buhay. Hanggang sa isang araw, dumating ang aming guro at siya ay nagturo na naman tungkol saan ang pangarap at kung bakit tayo kailangan mangarap. Sa kaniyang tanong ay naliwanagan ang aking isipan. Naliwanagan ang isipan na puno ng tanong. Sa wakas ay nasagot narin ang matagal ko ng nais malaman. Naisip ko na may pangarap na pala ako na nais makamit at iyon ay ang pagkagutong makapagtapos ng pag-aaral. Nais ko palang magtrabaho para makatulong ako sa aking magulang. Magulang na sa una't sapol ay nandiyan na sa aking tabi upang ako ay handang damayan sa kung ano man ang darating sa aking buhay.
Pangarap kong maging guro.Pangarap kong makatulong sa mga mag-aaral na malaman kong ano ang kanilang pangarap sa buhay. Pangarap kong magturo ng mabuting landas. Nang dahil sa aking guro na parating nagtatanong kong ano nga ba ang pangarap ay ako'y nagkaroon ng munting pangarap. Dahil sa aming guro ay naliwanagan ang isipan at damdamin ko. Nagkaroon ako ng pangarap, pangarap na gugustuhin ko at hinding hindi ko pagsisisihan sa huli.
WAKAS
Comments
Post a Comment