Dagli: Pangarap ni: Ailene Orbeta
Dagli: Pangarap
ni: Ailene Orbeta
Noong
una palang noong ako'y namulat dito sa mundo ay hindi ko malaman kong ano nga
ba ang pangarap ko sa aking buhay. Oo, hindi ko alam dahil siguro ay hindi ko
alam ko pa alam kong ano ang ibig sabihin ng ang salitang "pangarap".
Hindi ko alam kong ano ang kahahantungan ko pagwala akong pangarap sa buhay. Hindi
ko malaman kong ano nga ba ito na kahit anong isipin ko ay hindi ko talaga
maintidahan ang salitang iyan. Nung ako'y tumuntong sa unang baitang ng
sekondarya ay tinanong ako ng aming guro kung ano ang pangarap ko. Hindi ko
labis maisip na bakit pa tayo mangangarap kong mabubuhay at mamamatay rin lang
naman tayo. Ngunit may narinig akong boses galing sa aking likuran at ang sabi
niya ay guro kaya naman ang nasabi ko rin sa aming guro ay guro,gusto kong
maging guro. Nang ako ay papauwi na galing sa eskwela ay may nagtanong na naman
sa akin kong ano ang pangarap ko sa buhay. Kaya ako ay napatigil sa aking
paglalakad. Tinignan ko ang mukha sa
nagtanong sa akin at sinabing hindi ko alam. Kaya siya rin ay natigilan mula sa
kaniyang paglalakad na tila ba nagtataka sa aking nasabi. Pinabayaan ko nalang
ito at muli,ako ay lumakad papuntang bahay.
Nang
ako'y nakarating sa aming tahanan ay dumiretso ako sa kwarto at doon ako na
natulala. Ano nga ba ang pangarap ko sa aking buhay? ako ay nag-iisip kong ano
nga ba ang kahulugan sa salitang "pangarap". Ngunit kahit anong isip
ko tungkol dito ay hindi ko talaga malaman. Ipinagsawalang bahala ko nalang ito
dahil hindi ko alam.
Parati
nalaman akong nagtatanong sa aking isipan kung ano nga ba ang pangarap at kung
ano nga ba ang pangarap ko sa buhay. Hanggang sa isang araw, dumating ang aming
guro at siya ay nagturo na naman tungkol saan ang pangarap at kung bakit tayo
kailangan mangarap. Sa kaniyang tanong ay naliwanagan ang aking isipan. Naliwanagan
ang isipan na puno ng tanong. Sa wakas ay nasagot narin ang matagal ko ng nais
malaman. Naisip ko na may pangarap na pala ako na nais makamit at iyon ay ang
pagkagutong makapagtapos ng pag-aaral. Nais ko palang magtrabaho para
makatulong ako sa aking magulang. Magulang na sa una't sapol ay nandiyan na sa
aking tabi upang ako ay handang damayan sa kung ano man ang darating sa aking
buhay.
Pangarap
kong maging guro.Pangarap kong makatulong sa mga mag-aaral na malaman kong ano
ang kanilang pangarap sa buhay. Pangarap kong magturo ng mabuting landas. Nang
dahil sa aking guro na parating nagtatanong kong ano nga ba ang pangarap ay
ako'y nagkaroon ng munting pangarap. Dahil sa aming guro ay naliwanagan ang isipan
at damdamin ko. Nagkaroon ako ng pangarap, pangarap na gugustuhin ko at hinding
hindi ko pagsisisihan sa huli.
WAKAS
Comments
Post a Comment